Oo. Ayon sa aming kaibigang instruktor, ang mga "special children" ay hindi lamang mga batang may kapansanang pisikal o sa isipan kundi maaari ring tumukoy sa mga kabataang nangangailangan ng espesyal na atensyon upang matuto dahil sa iba't-ibang kundisyon.
Ayon sa aking research sa pamamagitan ng Google, ang special children o kilala din sa terminong "Special Needs Children"
ay: Children whose emotional or physical disorders, age, race, membership in a sibling group, a history of abuse, or other factors contribute to a lengthy stay in foster care. Common special needs conditions and diagnoses include: serious medical conditions; emotional and behavioral disorders; history of abuse or neglect; medical or genetic risk due to familial mental illness or parental substance abuse.Ibig sabihin, ang mga "special children” ay mga batang kailangan ng "espesyal na atensyon" kaysa sa karaniwan upang maturuan. Ang kahirapan o di karaniwang pangangailangan ng pagututuro ay maaring dahil sa maraming dahilan o kundisyon. Kaya hindi lang mga may kapansanan ang maaring tawaging "special children" kundi pati iyong mga biktima ng kahirapan, pang-aabuso o iba pang espesyal na sirkumstansiya.
Ang definition naman ng Special Education ay maaaring:
n.
Classroom or private instruction involving techniques, exercises, and subject matter designed for students whose learning needs cannot be met by a standard school curriculum.
Maaari nating sabhin na ang malubhang krisis ng ating lipunan ay nagluluwal ng maraming mga "special children". Makikita ito sa pagdami ng mga bata sa lansangan na hindi nabibigyan ng pagkakataon ng makapag-aral o dahil sa gutom ay "pumupurol" ang ulo.
Ayon sa aming kaibigang instruktor, kung sa mga first world countries ang majority ng mga special children ay ang may kapansanan sa pag-iisip, sa ating lipunang Pilipino, ang maituturing na primaryang "special children" ay mga bata na anak ng kahirapan.
Bukod dito, ang mga special children ay maari ring iyong mga biktima ng mga human rights violations dahil sa militarization at iba pang mga traumatic na experiences.
At kung ang krisis ay nangangahulugan ng pagdami ng mga "special children" na kailangan ng espesyal na atensyon, iibg sabihin, kailangan din ng mas maraming mga special educators.
Maari ring ugatin na upang maiwasan ang pagdami ng mga "special children" kailangan di ugatin ang pang-ekonomiya, pang-politka at pang-kulturang mga dahilan nito.
Photo credits: First and third photos by Louie Santos, second photo lifted from www.stolenchildhood.net.
No comments:
Post a Comment