Naimbitahan kami bilang bahagi ng KARATULA sa isang pagtitipon ng isang organisasyon, ang SPEDers Care o Special Educators Care, dalawang araw na ang nakakaraan. Ang imbitasyon ay para magbigay kami ng ilang team-building at reflectionary exercises para sa kanila. Ang aktibidad mismo ay inihanda bilang tribute sa mga Fourth Years na kaka-graduate lang noong March 17, 2009 bilang mga pioneers ng nasabing organisasyon.
Sa katotohanan, noon ko lang talaga naintindihan kung ano ang organisasyon na SPEDers Care. Lubos ang kasiyahan ko ngayon at naikilala ko ang isang organisasyon na katulad ng SPEDer's Care kasabay ng pagkakakilala ko sa mga taong bumuo at kasalukuyang bumubuo doon.
Kahanga-hanga ang organisasyon na SPEDers Care dahil, kaiba sa ibang mga organisasyon ng isang department, ang organisasyon ay may malalim na layunin na tulungan ang seksyon ng lipunan na pinili nilang pagsilbihan na higit pa sa mga pang-ibabaw na pamamaraan lamang. Ang mas kahanga-hanga pa ay ang mga tao na bumubuo o sa organisasyon ito.
Kung susuriin, ang pagpili pa lamang ng kanilang specialization sa pagtuturo ay kahanga-hanga na. Alam na natin na mahirap magturo lalo pa ang magturo sa mga "special children". Sa henerasyon ngayon na mas pinipili ng mga mag-aaral ang kursong Nursing at nangangarap na mag-abroad, hindi palagian para sa akin ang makakilala ng mga mag-aaral na pipiliin ang napakahirap na propesiyon. Marami sa kanila, siyempre, ang may layuning makatulong talaga sa mga "special children" na kadalasan ay napapabayaan o pilit na iniiwasan ng ating lipunan.
Sa lipunan na palagian ang krisis, ang mga "special children" ay kasama sa mga unang tinatamaan, napapabayaan o kinakalimutan. Sa aking opinyon, may isang lebel ng commitment at sense of purpose ang isang estudyante na pipili na maglingkod sa seksyong ito ng ating lipunan. Marami na akong nakilala na mga mag-aaral na ang pangarap ay ang makapag-abroad, mga mag-aaral na motivated ng kulay na green. Ang makakilala sa mga mag-aaral na pumili ng isang propesyon para magsilbi ay isang 'breath of fresh air' para sa akin.
Bukod dito, ang kapansin-pansin din para sa akin ay ang pagiging malapit ng grupo sa isa't-isa. Siyempre, hindi lubos pero, kumpara sa maraming class o department, medyo bukod-tangi na ang kanilang bonding. Tingin ko, malaking dahilan ang pagkakaroon nila ng isang mentor-adviser na mahusay ang ginagawang pagtuturo sa kanila, hindi lang ng mga edukasyon sa kanilang propesyon, kundi ng tunay na pag-unawa sa salitang paglilingkod at pagtutulungan.
Na-realize ko tuloy na malaki talaga ang impluwensiya ng mga teachers o instructors natin at, sa mas malawak, ng mga eskuwelahan natin sa ating development bilang tao. Naalala ko tuloy kung paano ikinuwento sa akin ang pagdidiin ng isang C.I. sa motivation ng Nursing students sa pamamagitan ng pag-dodrowing nito ng dollar sign (euro na ngayon) sa white board. Na-imagine ko na berde ang tanging kulay na nakikita ng C.I. na yun. Nakakatuwang isipin na may mga guro pa rin talagang nagiging mabisang instrumento upang hubugin ang kabataan na maging mapagpahalaga sa kanilang propesyon at pagkatao para sa layunin na tumulong at maglingkod sa sambayanan at baguhin ang lipunan.
Ang pagkakakilala ko sa SPEDers Care at sa mga miyembro nito ay nagbigay sa akin muli ng marami pang dahilan upang magpatuloy sa aking ginagawa. Tunay ngang sa paglubog sa masa makakakuha ng panibagong lakas kung ikaw ay naghihina. Tumanaw lang ako sa kanila at makikita ko na ang dahilan at aking layunin.
Sa motto ng SPEDers Care makikita ang ubod na karakter ng grupo at ng miyembro nito: "More for others! Less for ourselves!" Malinaw na paglilingkod ang nasa puso ng grupong ito kaiba sa diwa ng pagpapaunlad sa sarili at pagkamakasarili na itinuturo ng ibang mga eskuwelahan.
Sa mga graduates ng SPED batch '09, sana maging guro kayo agad, siguradong marami kayong matutulungan! Sa mga naiwan, ipagpatuloy niyo ang pagtataguyod s SPEDer's Care. Ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan!
Filipino Jeepney Drivers Make Last Stand
-
Written for The Diplomat The year 2023 ended in the Philippines with
several transport groups holding nationwide protests aimed at pressuring
the governmen...
5 days ago
No comments:
Post a Comment