Tuesday, March 17, 2009

Iba't-ibang Sagot ng Kabataan sa Krisis

We were off to pay a High School friend of mine a visit this afternoon when a unexpected thing happened. We were to drop at the Partas sub-station at San Fernando City, La Union before going to my friends house. Para makatipid ng pamasahe naglalakad lang kami, when suddenly, we saw Julius who we first met last national election campaigns for Kabataan Party and in fact he is member of Kabataan Party. We were supposed to only exchange numbers with him but he pulled us upstairs. We did not know what to expect, but knowing him as a young business-minded person, we expected that i got to be somewhat related to one of his endeavors of making money.

We were surprised to find ourselves in a casually nice office of UNO, a networking/pyramiding? company of some sorts. For politeness' sake, we stayed to listen to the lecture - an orientation of their products and how the business works. Possibly you are somewhat aware of how it works - you join them via a contract and an investment of P7,400 and pledged yourself to recruit more of you. In doing so, you make money, they make money, all of the company makes money. According to them as much as P140,000 a month or a week (or was it 240,000?). Of course, you also will have to sell their products, etc.

I would have joined them if not for the P7,400 investment.

What struck me most is almost all of the people who are there for the seminar and those who is conducting the seminar for their target recruits are young college students. The members are really passionate and have a degree of talent and trained skills in convincing those who are there. I believe that most of those who were there have been at least convinced that the business is profitable and their product works.

May parang reheased reply pa yung mga members para supportahan yung lecturer sa harapan. For example:

Lecturer: 240,000 pesos. Malaki o maliit?

Members sa audience: Malaki!

Lecuturer: 7,400 pesos, malaki o maliit?

Members sa audience: Maliit!

Lecturer: 240,000 a week, gusto?

Members: gusto!

Lecturer: 7,4000 pesos kaya?

Members: Kayang kaya!

Lecturer: chehe, chene...

Members: wow!

Lecturer: chene, chene...

Members: huhuu!

hehehe! angsaya!


Sa dami ng mga kabataan doon, naisip ko tuloy kung paano naapektuhan ng krisis ang mga kabataan at paano sila humahanap ng paraan para harapin ang mga kahirapan ng krisis sa Pilipinas.

Palagi kong nakikita yung mga kabataan na aprang walang paki-alam. Palaging nasa computer shops, nagdo-DOTA. Naiinis ako minsan hindi lang dahil hindi ako marunong nung laro nugnit pati rin dahil sa parang wala nga silang paki-alam.

Pero hindi lang puro ganun ang mga kabataan ngayon. Napatunayan ko iyon nung kinaladkad kami ni Julius sa UNO. Marami talagang mga kabataan ang naghahanap ng pagkakakitaan sa pinakamabisang paraan.

Ang nakita ko sa UNO ay kung paano nila mistulagn ginagamit ang pagkakaroon ng mga kabataan ng malawak na network of friends. Kasi parang friendster na business ang dating sa akin nung business mas marami kang friends, mas marami kang puwedeng mainvite, posiblng makumbinsi at mapasali. Mas marami kang maakay, mas dadami kita mo. habang dumadami rin ang nakukumbinsi ng mga recruits mo, kumikita ka pa rin.

Mistulang target talaga ng UNO ang mga kabataan at mina-maximize ang mga katangian ng kabataan na member upang palwakin at palaguin ang kanilang business.

Sa ating bansa ngayon, na mahirap makauha ng diploma, kahit may diploma ka ay mahirap pa ring makahanap ngtrabaho, at kung may trabaho ka na ay kakarampot ang suweldo, ang prospect na kumita ng 15,000 pesos a week or up 240,000 a month kapalit ng 7,400 pesos na puhunan ay mabisang pangumbinsi. Sino ang ayaw sa 240,000?

Ako lang ata.

Sa walang katiyakang buhay sa Pilipinas, para sa mga estudyante, graduates at iba pang kabataan, marami ang nakukumbinsing mag-BUS (MagBenta, MangUtang, MagSanla) upang makabuo ng 7,400 para ipuhunan sa negosyong ito.

Si Julius mismo ng-sanla ng alahs ng nanay upang makabuo ng 7,400 dahil hindi talaga siya napatulog diumano ng prospect ng 240,000 kada week o month na kita.

Ang nakakalungkot lang dito, walang katiyakan din ang kita sa mga networking business na ito. Angtiyak lang dahil ang bawat member ay magbabayad ng 7,400 bago makapasok, tiyak na may kita na ang korposayon mismo at ang may-ari nito.

Saka anong klaseng hanapbuhay ang networking? Hindi ko makita ang isang tao na gagawing negosyo buong buhay niya ang ang networking ng kagaya ng UNO. walang security ang hanap-buhay doon.

Anyways, isa lang naman ang punto ko dito: ang krisis ng lipunan natin ay nagluluwal ng mga wirdong mga paraan para diumano makahon sa kahirapan at maamraming mga kabataan na gustong makahanap ng solusyon sa kahirapan ang napapadpad sa mga ito.

No comments:

Post a Comment