Tuesday, March 31, 2009
Earth Hour
Ang kampanya para sa 'Earth Hour" noong nakaraang March 28 ay naging matagumpay lalo na sa Pilipinas kung saan pinakaraming siyudad at mga bayan ang sumali. Umaabot sa 650 na mga siyudad at bayan sa Piipinas ang nagpatay ng ilaw. Ayon sa estimasyon, sa Pilinas lamang ay nakatipid na ng aabot sa 611 Megawatts o katumbas ng pagpatay sa isang Coal-fueled Power Plant sa loob ng 60 na minuto.
Kahanga-hanga ang nagawa ng Pilipinas hindi lang sa paglahok kundi sa pangunguna pa sa aktibidad na layuning tugunan ang problema ng mundo sa global warming. Higit sa kung ano pa man, pinapakita ng paglahok ng mga Pilipino sa Earth Hour ang kamulatan ng Pilipino sa mga kagalayan na nakakaapekto sa buong mundo at ang kahandaan na tumugon at aktibong makilahok para sa kalutasan ng problema.
Ngunit, malayo pa sa isang kalutasan ang pagpatay ng ilaw sa buong mundo. Napakaliit lang ng impact kung tutuusin ng pagpatay ng ilaw ng mga karaniwang mamamayan para mapabagal global warming. Ang buong mundo ay nag-eemit ng, as per estimation noong 2004, 27,245,758, 000 metric tons ng carbon gas bawat taon. Ang simpleng pagpatay ng ilaw kahit ng buong mundo sa loob ng isang oras ay hindi sapat para solusyonan ito. Baka nga mas marami pang carbon gas na-emit para sa promotion ng Earth Hour kaysa sa natipid dahil dito.
Pero hindi naman talaga isang tahasang solusyon na ang Earth Hour kundi mas awareness campaign at political statement ng lahat ng taong nais sagipin ang ating planeta. Para itong march rally o pagpipiket o paglalagay ng ribbon sa damit upang magbigay ng statement na nakikiisa ang mga tao sa isang layunin o isang panawagan. Ang panawagan ng Earth Hour ay ang paghanap ng solusyon sa global warming pangunahin na nga ang pag-reduce sa carbon emission sa buong mundo na sanhi ng masyadong mabilis na pag-init ng daigdig. Kahit si Edward Norton ay nagsabi na isa lang itong symbolic na pakikisangkot.
Napaka-salimuot ng suliranin ng global warming at ang kalutasan ay masalimuot din. Ang usapin ay hindi lang environmental kundi political at economic. Ito ay dahil kakabit ng problema ay ang usapin ng pangunahing energy o fuel source ng buong mundo - oil, na siyempre, kakabit ng usapin ng kita ng mga korporasyon na may hawak sa source na ito. Siyempre, idagdag mo pa yung mga kumpanya na kumikita dahil sa produktong komukonsumo ng oil bilang fuel.
Ang siste, matagal nng nag-iingay ang mga siyentista at nga environmentalists tungkol sa global warming ngunit ngayon lang ito sineseryoso. Dahil yun sa hindi ito pinapansin ng mga higanteng korporasyon dahil sa masasagasaan ang kanilang economic interest. Tulad ng kaso ng electric car na pagkatapos ang paglabas ay ni-recall ng General Motors para lamang sirain dahil sa babangga ito sa interes ng oil indutries. Kadalasan kasi pinipiglan ng mga kapitalista ang teknolohiya kapag ito ay threat sa kanilang interes. Mas gusto nila na kontrolin muna ang teknolihiya upang siguraduhin na kikita sila mula dito. At habang kumikita pa sila sa luma ngunit paso o nakakasama nang teknolohiya, ito ang kanilang proprotektahan. Ngayon, nangunguna na ang mga energy corporations tulad ng Chevron sa paghahanap ng bagong energy source para kontrolin kung anumang bagong fuel source ang papalit sa oil.
Pera-pera pa rin ang usapan para sa mga kapitalista. Ang totoo niyan, sa ngayon, nasa kamay ng mga kapitalista ang hinaharap ng buong mundo dahil sa sila ang magpapasiya kung anong alternative fuel ang papalit sa oil at kung kelan ito papalitan. Hindi pa natin dinaragdag na sila rin ang may kaperahan para maghanap at magdevelop ng alternative fuel at iba pang pamamaraan para solusyonan ang global warming.
Ngunit, sa totoo lang, hindi ko makita na mareresolba natin ang suliranin ng global warming sa kamay ng mga kapitalista. Ang ibig kung sabihin, sa tingin ko, habang kapitalismo ang sistemang pang-ekonomiya sa nuong daigdig lalala lamang ang ating mga problema kasama na diyan ang global warming. Ito ay dahil katangian na mismo ng kapitalismo ang magkaroon ng anarchic na produksyon dahil hindi interes ang nagtutulak sa mg produkto kundi kita. Mahihiharapan ang mga kapitalsitang i-reconcile ang interes ng mundo sa interes ng kanilang bank accounts.
Isang planadong ekonomiya at paggamit ng teknolohiya at puspusang kagustuhan na maresolba ang mga isyu tulad ng global warming ang kailangan ng buong mundo ngayon. Kung saan ang interes ng mamamayan sa mundo ang nangunguna. At hindi ko nakikita yun sa isang kapitalistang sistema.
Kung anuman, kahanga-hanga pa rin iyong pakikisangkot ng mga Pilipino sa Earth Hour. Pinapatunayan lang nito kung gaano kahanda ang mga Pilipino upang humakbang para sa kalutasan ng mga suliranin gaano ito kalalaki.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment