Nagka-usap nga raw si Gloria Macapagal Arroyo at si Barrack Obama. Ipinagmalaki ng Malacanang ang pagtawag ni Obama kay Gloria sa wakas, pagkatapos ng medyo effort na paghahabol ni Gloria sa presidente ng Amerika. We could only imagine how their conversation went despite the media releases. Marami ang bumatikos sa nangyaring pag-uusap. Sabi ng ilan sa mga anti-VFA politicians and critics ay isang magandang oportunidad sana yun para sa isulong ang pambansang interes ng bansa. Pero ano ang maaasahan natin kay Gloria? Ilan nga raw sa mga pinag-usapan ng dalawa ay ang tungkol sa VFA. Ini-imadyin ko pa rin kung ano ang sinabi nila sa isa't-isa. Iniimadyin ko kung paano nangako si Gloria ng patuloy na pagsuporta sa Amerika at sa VFA at malamang hiniling nito ang pagpapatuloy ng nasabing kasunduan sa kabila ng mga pagtuligsa at clamor na ibasura na ito. Napag-usapan din nila ang tunkol kay Daniel Smith. Ano kaya ang inimungkahi niya para sa convicted rapist ng isang Filipina? Siguro in-assure niya na mananatili si Smith sa custody ng US kahit na malakas na binabatikos ito ng kanyang sariling mamamayan.
Kung susuportahan ni Obama ang pananatili ng VFA at ang kasalukuyang Foreign relation policy ng US sa Pilipinas tiyak ko maraming madidismaya kay Obama.
Para sa kaunting kaalaman natin sa isyu ng VFA, ito ang link mula sa League of Filipino Students click here.
Filipino Jeepney Drivers Make Last Stand
-
Written for The Diplomat The year 2023 ended in the Philippines with
several transport groups holding nationwide protests aimed at pressuring
the governmen...
5 days ago
No comments:
Post a Comment