Friday, September 19, 2008

Check Up

Noong nakaraang Huwebes sinamahan namin si Kuya Ric sa ospital upang magpa-check-up.Hapon na kami nakaalis mula sa aming tinitirhan. Akala ko sasakay kami ng jeep pero kinailangan pala naming sumakay sa tricycle papunta sa ospital dahil hindi makasakay ng jeep si Kuya at hindi siya makalakad ng malayo. Kinailangan ko tuloy na mag-abang tricycle sa labasan upang maihatid sa ospital.

Dumating kami dun mga 2pm. Akala ko saglit lang kami. nakalimutan ko ang totoong kalagayang pangkalusugan natin sa Pinas. Pinaalala lang ng itsura ng OPD ward ang masalimuot na katotohanang ito.

Noon lang ako nakarating doon sa tanang buhay ko. Siksikan ang mga taong nakaupo at naghihintay ng kanilang pagkakataon na matingnan ng mga nurse at doktor.

Inisip ko kung gaano kami katagal na maghihintay. Sakto naman na naisip ko na dalhin ang aking libro sa Special Contracts ni Paras para basahin habang naghihintay. Iniisip ko rin iyong appointment namin sa isang kaibigan ng alas-tres.

May isinagaw na numero iyong tao sa likod ng mikropono. "30-35".

"Kailangan nating kumuha ng numero", sabi ni Kuya Ric. 53 ata iyong nakuha namin. Nalaman ko na medyo matatagalan kami. Okay lang naman.

Minasdan ko iyong mga tao at mga nurse habang abala sila sa mistulang mga pang-araw-araw na ritwal. Iniisip ko habang pinagmamasdan ang pila ng mga nakaupo, "lahat na ng importante sa Pinas kelangang pilahan tulad ng bigas, tulad ng serbisyong medikal".
.
O 'di kaya ang pagpatingin sa doktor ay para na ring pagpila sa lotto, hindi sigurado ngunit nagbibigay ng kakaunting pag-asa ng kaginhawaan.

At katulad ng lahat ng importante at kailangan sa Pilipinas ang serbisyong medikal ay kailangang bayaran. 100 ata iyong kailangang bayaran ni Kuya Ric para makapila, para mabigyan ng pagkakataong matingnan ng doktor. Para ano? Para marinig iyong mga gamot na kailangang bilhin, iyong totoong kalagayan niya, para maalala niya na tinaningan na siya ng kalagayan niya sa katawan at ng kanyang kalagayang pang-ekonomiya.

"Quality service does not come cheap" ayon sa isang kaibigang estudyante habang nagdidiskusyon kami sa sitawasyong pangkalusugan.

Lagi naman ganito iyong excuse ng mga kapitalista. Dahil kailangan nilang protektahan ang kanilang interes. Dahil kumukita sila. Iniisip ko tuloy sa set-up ng mga ospital natinngayon, pinagkakakitaan lang ng mga kapitalista ang mga sakit ng tao. Biruin mo iyon may sakit ka nga nga, pagkakakitaan ka pa.

Naisip ko rin habang nasa ospital na sa kalagayan ng ospital na siksikan, maaaring mas lumala pa ang may sakit kaysa sa gumaling. Ako nga halos hindi na ako huminga dahil itsura ng ospital.

Ang ospital na ito ay isa sa mga pinaka-maunlad na pampublikong ospital sa rehiyon. Kung ganun, ano na itsura nung iba?

Nagtataka tuloy ako kung paano naiisip ng mga student nurse ang umalis pa papunta sa ibang bansa habang sila mismo ang halos araw-arw na nakakasaksi kung gaano karami sa mga kababayan natin ang nangangailangan ng serbisyong medikal.

Nakakabahala, ngunit ang aking pagsama sa check-up ni Kuya Ric ay isang exposure din sa akin sa tunay na kalagayang pangkalusugan ng ating bayan.

Kagaya ng check-up na ginagawa ng mga doktor sa mga pasyenteng nagtitiyagang pumila kailangan na rin sigurong i-check-up ang pangkabuuuang kalagayang pangkalusugan sa Pilipinas.

Tuesday, September 16, 2008

Poverty: A Death Sentence

My friends and I have been pooling our efforts to come up with a plan to help our friend, Mariano Gonzalo, or Kuya Ric to us and those who are close to him.

Kuya Ric is suffering from Kidney failure and diabetes. He has been living alone and until last week, when my friends found him, has been living in a ran-down house with no-one to take of him. Kuya Ric was thrown out from the house of his nephew because of some feud between them ensued.

He was for some time confined in the hospital but was also forced to checked out because he couldn't afford the money to stay in the ICU of the ITRMC. According to a friend, it will cost around P15,000.00 a week for a kidney dialysis, save for the expenses for the additional medicines.

A few days ago, a friend of mine accompanied Kuya Ric to the doctor and the doctor have given Kuya Ric only a few weeks to survive. Or according to my friend who accompanied him, he could go anytime.

The irony, i thought, is that kidney diseases are now curable. This is not cancer or AIDS. But the doctor was just truthful. He probably said the same to dozens of unfortunates several dozens of times over. Based on the economic condition of Kuya Ric, he cannot afford the procedure required to survived his ailments.

Although, his ailment has rendered him weak, ultimately poverty have given him his death sentence.

The irony is (the truth, rather) is that if you are rich and you are sick, you have the right to survive longer. The procedures, the doctors and other specialists are there, more than ready and willing to give you an extra day, week, month or even years. But if you are sick and poor, in this country, you are as good as dead.

In fact, some even choose death over prolonging the agony of being poor.

Remember Janeth Ponce who poisoned her three children then committed suicide afterwards.

Monday, September 15, 2008

Basahin ang mga patlang

Ito ang patlang na nais kong punuin ng aking mga akda noon, ngayon at sa hinaharap. Hindi ko pa alam kung ano ang isusulat talaga rito, kaya sa ngayon, aking inilagay ang ilan sa mga tula at maikling kuwento na aking naisulat. Sana kung sakaling magawi kayo rito sa aking sulok ng patlang, sanamagawa ninyong sulyapan.

Punuin natin ng diwa ang patlang sa isipan.

INA

Pumailanglang sa katahimikan
ng gabi ang iyong pagtangis.
muli, ginambala ng iyong kalungkutan
ang aking pagkakahimbing.

Pinuno ng iyong luha ang aking puso
at tuluyang nilunod ang aking isipan,
tinangay ng alon ng iyong damdamin
at itinaboy ng nagpupuyos na
hangin ng iyong poot.

(Kung alam mo lamang na sa tuwing
dumadalaw sa iyo ang bagyo ng dalamhati,
ako'y nasasalanta rin...)

Malaman mo sana na dama ko
ang iyong kalungkutan.
Walang hiwaga ang ating pagkakaugnay.
Hindi ba't noong una'y magkarugtong
ang ating sikmura't katawan?
Utang ko sa iyo ang aking buhay
at ako'y nagmula sa inyo.

Dati-rati, noong ako'y nasa iyo
pang sinapupunan, ay pinagsasaluhan
natin ang pagkain na iyong sisubo.

Tila ngayon, pagdaan ng maraming taon,
mula nang mapatid ang lubid na laman
na nagdurugtong sa atin, nabigong putdin nun
ang kaugnayan ng ating puso't damdamin.
Ngayon, ‘di na pagkain ang ating pinagsasaluhan
kundi ang dalamhati ng iyong puso't kaluluwa.

Malaman mo sana na ang bawat
patak ng luha na gumuguhit sa iyong pisngi
ay may katapat na sugat sa aking puso.
Kung dati-rati’y ikaw ang pumapawi
sa mga luha sa aking mga mata,
hayaan mong ako naman ang magsabing
“Ina, tahan na, tahan na…”

August 12, 2006